Lacson puwedeng mag ala-Ligot

MALAKI ang paniniwala ng isang senador na puwedeng gamitin ni Sen. Panfilo Lacson ang kanyang rights against self-incrimination tulad nang ginamit ni dating AFP comptroller Lt/Gen. Jacinto Ligot kung ipipilit ng Department of Justice (DOJ) na tukuyin ang nagkanlong sa senador.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maaaring gamitin ni Lacson ang naturang karapatan sa ilalim ng Bill of Rights upang hindi siya mapuwersa ng DOJ na ibunyag ang pangalan ng mga taong nagkanlong sa kanya sa loob ng mahigit  isang taon niyang pagtatago.

“He has the right against self-incrimination,” diin ni Santiago.

Nagbabala naman ang senadora sa DOJ hinggil sa hangarin nilang talupan ang pangalan ng mga taong tumulong kay Lacson para maitago ito sa paghahabol ng hustisya dahil magsasayang lamang sila ng pagod at oras.

“It will be very difficult to pinpoint except by confession of Senator Lacson himself,” ayon sa senadora.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nahihiwagaan kung paano nakakuha ng travel documents si Lacson para makapagbiyahe mula Hong Kong papasok ng Cebu gayung kanselado pa ang pasaporte nito.

Isa lang ang suspetsa ni Santiago, gumamit ng pekeng pasaporte si Lacson para siya ay makabalik sa Pilipinas via Cebu.

“It might be the case that he used a forged passport. Remember when I was an Immigration Commissioner, one of my first shocking revelations was that the Philippines was the fake passport capital of the world,” ani Santiago.

Imbes na pag-initan si Lacson, ang dapat umanong gawin ng gobyerno ay habulin ang sindikato na gumagawa ng pekeng pasaporte upang sa gayon ay hindi ito magaya ng ibang taong hinahabol din ng batas.

“It would be better if we just chase those who were in the fake passport business,” ayon sa senadora. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply