Lady optometrist timbog sa shoplift

KULONG ang isang lady optometrist makaraang madakip na nang-uumit ng mamahaling beauty product sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Kahapon, March 27 isinampa sa Pasay City prosecutors office ang kasong theft laban kay Dr. Sharon Yu, 31, dalaga, ng No. 552 Sevilla St., Binondo, Manila

Nabatid sa pagsisiyasat ni PO3 Simeo Respicio Jr., ng Investigation and Detective Management Section na dakong 7:30 kagabi nang pumasok ang suspek sa Health and Beuaty Section ng SM Hypermarket.

Nakita umano ng security guard ang suspek na kumuha ng dalawang Shine Fresh Facial Wash (400ml) na nagkakahalaga ng P410.00 at dalawang Shine Saint Ives Exfoliating Apricot (400ml) sa halagang P429.50

Makaraang makuha ang mga item, agad na lumabas sa tindahan ang suspek na hindi binabayaran ang nakuhang produkto sa kahera.

Dali-daling hinabol ng nasabing guwardiya ang suspek at nang rekisahin ang dalang bag ay nakuha ang mga inumit na produkto na naging daan para sampahan siya ng kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply