Laglagan sa PBA Commissioners Cup umiinit

UNTI-UNTI nang pumoporma ang bubuo sa quarterfinals cast ng PBA Commissioner’s Cup na kinabibilangan ng 10 grupo, anim dito ang papasok sa quarterfinals at apat naman ang malalaglag.

Ilang observers ang nagpahingatong na angat na makapasok sa unang 6 teams ang mga nangungunang Smart-Gilas Nationals at ang Rain or Shine Elastopainters na parehong tangan ang malinis na 3-0 slate.

Papasok din sa anim na quarterfinalists ang Alaska Aces at Talk N Text Tropang Texters na magkapantay sa 3rd at 4th position (3-1 win loss record). Maghahabulan sa 5th at last slot ang gym kings, Derby Ace Llamados (2-2) at ang San Miguel Beermen (1-2).

Nanganganib namang masibak ang Air 21 Express (1-3), Powerade Tigers (1-4) at ang dismayadong Meralco Bolts na bokya pa.

Iniwasiwas ng Talk N Text ang B-Bolts, kung saan nagtumpok ang import na si Paul Harris ng 32 points na bumalewala sa debut game ng B-Bolt American-Nigerian import na si Champ Oguchi na nagtala ng 43 points.

Pinahirapan naman ng Barangay Ginebra ang Powerade Tigers sa main game 107-92 sa Big Dome noong Biyernes.

Magbabakbakan bukas ng gabi sa Araneta Coliseum ang Alaska Aces at Llamados sa opener habang sisikapin namang manatili sa tuktok ng team standings ang Elastopainters kontra sa Tropang Texters. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply