Lakers inilampaso ng Heat

NANLUMO ang Los Angeles Lakers sa pangunguna ni Kobe Bryant matapos silang ilampaso ng Miami Heat, 94-88 upang lagutin ang serye ng kamalasan matapos magtamo ng limang sunod sunod na pagkatalo.

Halos dikit ang laban mula first hanggang fourth quarter kung saan hindi nagpadaig ang dalawang team sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagpapasabog ng magagandang tira.

Nangibabaw ang “Big Three” ng Miami kontra “Big Three” ng LA Lakers; si Chris Bosh ay may 24 points at nine rebounds, si Dwayne Wade ay nagtala ng 20 points, 5 assists at 5 rebounds at si Lebron James ay may 19 points, 9 assists at 8 rebounds.

Si Kobe Bryant ay may 24, 2 rebounds at 2 assists, si Pau Gasol ay nag-ambag ng 20 points at 5 rebounds, samantalang si Andrew Bynum ay may 13 points at 12 rebounds para sa LA Lakers na naputol ang waling sunod na panalo.

Nauna rito, umugong na aalisin na bilang coach ng Miami si Erik Spoelstra dahil sa limang sunod na pagkatalo na agad naman nilinaw ni Pat Riley, president for basketball operation ng Miami Heat na hindi umano ito totoo.

Ayon kay Riley, malaki pa rin ang tiwala niya kay Spoelstra at hindi pa nakakabahala ang sunod-sunod na talo ng Heat.

Binabatikos ngayon ng mga fans ng Miami si Spoelstra pagkatapos ng limang sunod na talo, lalo na ang pagkatalo nila sa Orlando Magic, kung saan abanse sila ng 24 points sa kalagitnaan ng 3rd quarter pero nasilat pa rin at ang paglampaso sa kanila ng San Antonio Spurs na tinambakan sila ng 30 points.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply