Lalaki nahulog sa overpass, nasagasaan pa

AGAD namatay ang isang di-kilalang lalaki nang mahulog sa pedestrian overpass na may taas na 14 na talampakan at masagasaan ng isang rumaragasang taxi sa P. Tuazon Blvd., Lungsod Quezon.

Isinalarawan ng pulisya ang biktima na nasa  edad na 45 taong gulang, nakasuot ng puting t-shirt at kulay brown na short pants.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong 7:30 ng gabi sa southbound lane ng Edsa sa harap ng Samson College sa Cubao.

Nabatid na binabagtas ng JAKAL taxi na minamaneho ni Ruben Sanchez, 39, ang Edsa nang biglang may bumagsak sa harapan ng kanyang umaandar na sasakyan.

Ayon kay Sanchez, sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya nagawang magpreno at tuluyang nasagasaan ang lalaki.

Agad isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue unit ang biktima sa East Avenue Medical Center, kung saan ito idineklarang patay na.  James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply