Lalaki nailigtas sa gumuhong bahay sa Japan 8 araw matapos ang lindol

ISANG lalaki ang nailigtas ng awtoridad makaraan ang walong araw nang gumuho ang kanyang bahay dahil sa tumamang magnitude 8.9 na lindol sa Japan noong Marso 11.

Sabado, Marso 19, walong araw mula nang lumindol ay natagpuan ng mga miyembro ng  ground self-defense force ang nasabing lalaking nakabalot pa ng kumot sa kanyang gumuhong bahay sa Kesennuma City, Miyagi Prefecture

Sa salaysay ng biktima, tangka niyang iwan ang kanyang tahanan nang tamaan ng malakas na lindol, pero bumalik din nang dumating naman ang tsunami bago tuluyang nawalan ng malay.

Ginagamot na sa isang ospital sa Japan ang lalaki na himalang walang tinamong major injury. NHK

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply