Lalaki napag-tripan binoga sa batok

KASALUKUYANG inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang hindi kilalang lalaki na natagpuang nakahandusay sa kalye sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Tinatayang nasa edad na mula 18 hanggang 25 anyos ang biktima; may taas na 5’3-5’4  at may tattoo na BCJ sa katawan at kasalukuyan pa rin itong nasa morgue ng  Mary Johnston Hospital.

Nagtamo ng isang tama ng hindi pa batid na kalibreng baril sa batok at namaga ang isa nitong mata dahil, ayon sa mga doktor, hindi tumagos ang bala.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang malaman kung sino ang salarin.

Batay sa ulat ni Det. Jet Tajonera, may hawak ng kaso, dakong alas-tres ng madaling araw nang magkaroon ng putukan sa kahabaan ng Perla St. at nakarating umano ito hanggang sa panulukan ng Pavia at St.Cristo Sts., sa Barangay 71 Zone 6 sa Tondo, kung saan ay doon bumulagta ang nasabing lalaki.

Walang makapagsabi kung sino ang dapat managot sa krimen.

Hindi rin kilala sa lugar ang biktima, kaya naniniwalang napag-tripan lamang ito nang ito ay mapadaan sa lugar.

Maaari rin umanong napagkamalang holdaper ang bitkima kaya ito binaril. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply