Lalaki patay sa maskaradong suspek

PATAY ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ito ng isang nakamaskarang suspek habang nakatambay ang biktima sa loob ng basketball court sa Quezon City kahapon ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Willy Matuba, 40, at residente ng 12-33, Unit 4, Riverside, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod sanhi ng mga tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbistigasyon ang mga awtoridad laban sa maskaradong suspek nakasuot ng black jacket at itim na bull cap na mabilis tumakas matapos na pagbabarilin ang biktima.

Ayon sa imbistigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Unit 4, Riverside, Barangay Commonwealth habang nakatambay ang biktima sa loob ng basketball court.

Base sa ulat ng pulisya nakatambay umano ang biktima sa loob ng court ng biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng maskara at walang isang salita pinagbabaril nito ang biktima.

Sa salaysay ng saksing si Noel Nerpio, huli niyang nakita ang biktima na nakatambay sa loob ng court bago siya nakarinig na malakas na putok.

Sa puntong iyon, inakala ng saksi na nanggaling ang malakas na putok sa poste ng kuryente dahil sa kadalasang ito pumuputok subalit ng sunod-sunod na ang narinig na putok ay lumabas ito at nakita ang biktima na nakahandusay sa lupa.

Nang makasiguro na wala ng buhay ang biktima agad na tumakas ang maskaradong suspek palayo sa hindi nabatid na direksyon dala-dala ang ginamit na baril.

Patuloy na nagsasagawa ng imbistigasyon ang awtoridad ng QCPD police hingil sa tunay na motibo ng suspek para patayin ang biktima. R.A. Marquez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply