Lalaki sinaksak nang tumanggi sa tagay

NAPATAY sa saksak dahil sa pagtanggi ng tagay ang isang 32-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila, noong Lunes ng gabi.

Hindi na nailigtas pa ng mga doktor sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Cayetano Ignacio, ng 1021 Dagupan St., Tondo, na binawian ng buhay matapos magtamo ng mga saksak sa likod.

Tinutugis naman ang suspek na na nakilalang si Gener “Geneng” Solomon, ng Zona-C Bario Menu Barangay 49, District 1, Maynila, na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa report ni PO1 James Lagasca ng Manila Police District (MPD) homicide section, dakong 11:30 p.m. nang naganap ang insidente sa Dagupan St., Barrio Menu, Tondo, Maynila.

Nabatid na papauwi na ang biktima nang madaanan nito ang suspek na umiinon ng alak. Inalok ng tagay ng huli ang una ito ng huli, na tumanggi dahil tinatawag umano siya ng kanyang live-in partner.

Nang naglakad palayo si Ignacio ay sinundan ito ni Solomon, na walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

Matapos nito ay tumakas ang suspek, na umano’y siga sa lugar at miyembro ng Sigue-Sigue Commando Gang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply