Lalaki tumalon sa footbridge, todas

TIGOK ang isang lalaki matapos tumalon sa footbridge Sabado ng umaga, Marso 5, sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan si Robert Relayo, 37.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga, umakyat ng footbridge sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Bagong Barrio sa nasabing lungsod ang lasing na si Relayo.

Makalipas ang ilang sandali tumalon ang biktima at pagbagsak sa kalsada ay nagkikisay hanggang sa mawalan ng buhay.

Nabatid na bago ang insidente ay pinagbintangan ng kanyang biyenan ang biktima na nagbenta ng nawawalang digital camera na padala ng asawa ni Relayo na nasa abroad. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply