Lancer ng aktres kinarnap

KINARNAP ang 2005 Mitsubishi Lancer ng beteranang aktres na si Melissa Mendez ng kanyang umano’y mismong boy madaling araw ng Sabado, Marso 19.

Nabatid na nahuli rin ang 17-taong gulang na houseboy matapos mabangga ang ninakaw na kotse sa katabing subdivision.

Ayon kay Batasan Police Station Commander Superintendent Marcelino Pedrozo, Jr., kinuha ng boy ang kotse ng aktres sa kanilang bahay sa Barangay Holy Spirit at minaneho nito hanggang sa bumangga sa isang concrete wall sa kalapit na Hobart Subdivision.

Itinawag umano ang aksidente ng isang residente ng subdivision mga bandang 1:00 ng madaling araw ng Sabado na agad namang nirespondehan ng pulis at natukoy na kay Mendez nga ang naturang sasakyan.

Kasalukuyang hawak ng kapulisan ang suspek at nakatakdang dalhin ito sa DSWD dahil ito ay menor de edad pa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply