Landslide sa Tacloban, nagburol ng mga pamilya

PINAGHIHINALAANG patay ang dalawang pamilya dahil sa pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Tacloban ngayon, Marso 17.

Ang flash flood at landslide ay sanhi ng dalawang araw ng tuloy-tuloy na pag-ulan, kung saan ito ay bibihirang tamaan ang nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat ng DZMM, pinaghihinalaang isang di pa nakikilalang pamilya ng pito ay natabunan ng lupa sa Barangay Cabalawan, bandang hilaga ng Tacloban.

Isa namang pamilya ng lima ang pinaniniwalaang patay sa Barangay Nulapula dahil din sa pagguho ng lupa

Ayon pa sa report ni Noel Alamar, stranded naman ang mga nasa V&G Subdivision sa nabanggit na barangay, kung saan lahat ng waterways na nakapalibot dito ay nag-overflow, ginagawang hindi madaanan ang mga lansangan dahil malalim masyado ang pagbabaha.

Dagdag pa ng mga ulat, dahil pa sa tuloy-tuloy na pag-ulan ay baha na rin ang ibang bahagi ng Samar, Misamis Oriental, Leyte at Southern Cotabato.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply