Sundalo naglaro ng baril sa videoke bar

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lasing na sundalo makaraang paglaruan ang kaniyang baril sa harapan ng mga customer habang nasa loob ng isang videoke bar Miyerkules ng madaling araw, Marso 30, sa Pasay City.

Kinilala ni Senior Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Pasay City Police, ang dinakip na si PFC Albert Castillo, 28, Philippine Marines na nakatalaga sa Jolo, Sulu.

Ayons sa report, ipinagyabang ni Castillo ang dalang kalibre .45 sa harapan ng mga nasindak na customer ng CUL and DENZ Videoke Bar sa nabanggit na lungsod.

Pinaikot umano nito sa mga daliri ang baril na naging dahilan para mag-panic ang mga customers na nag-iinuman sa kani-kanilang lamesa.

Agad naman tumawag ng pulis ang Floor Manager ng nasabing videoke bar na si Feliciano Esma upang ireklamot ang pagyayabang ng suspek.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 9 ng Pasay City Police sa pangunguna ng Senior Inspector Alexander B. Rodrigo.

Tinangka pang pigilan ng tiyuhin na si Jose Castillo, retired Marines ang pag-aresto sa suspect kaya hindi naging madali para sa mga awtoridad na dakpin  ang lasing na sundalo.

Nang imbestigahan sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Seciton (SIDMS) ng Pasay City Police ay walang maipakitang permit to carry o mission order ang nasabing sundalo kaya sasampahan ito ng kasong illegal possession of fire arms and ammunitions habang kakasuhan naman ng obstruction of justice ang tiyuhin nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply