Lead content sa patay na ilog mas mapanganib

MAS mapanganib pa umano ang mga patay na ilog kaysa sa banta ng radiation na galing sa Japan.

Ito ang binigyang diin ni Food and Drugs Director Dr Suzette Lazo matapos magpatawag ng press conference sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) compound kasama ang may 30 importers sa bansa.

Ayon kay Lazo, masyadong mataas  aniya ang lead content ng mga patay na ilog na tiyak na makaapekto sa kalusugan ng tao kumpara sa mga maling kumakalat na balita na maaaring kontaminado ng radiation ang mga produktong pagkain galing bansang Japan.

Para mabura aniya ang pangamba ng taong bayan, muling magsasagawa ng random sampling ang (FDA) at (PNRI) sa mga susunod na araw sa mga produktong dairy, soya, gatas, noodles na galing ng Japan.

Samantala, sinabi naman ni Luis Lim, HJead Quality Assurance Team (HQAT) ng isang Japanese seasoning company na tuloy pa rin ang kanilang importasyon mula sa japan.

Hindi rin daw aniya nababahala ang importers sa pag-angkat sa mga produktong galing ng Japan kahit na nagkaroon ng pagsabog sa nuclear reactor sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Kaugnay nito, kinumpirma ng (PNRI) na isang pamilya na galing Fukushima, Japan ang pumunta sa kanilang laboratory noong Martes, para magpasuri kung contaminated ng radioactive materials.

Ayon kay director Dr. Alumanda Dela Rosa , isang Japanese national asawa nitong Filipina at isa nilang anak na pawang galing Fukushima ang boluntaryong sumailalim sa sodium iodide detector kahapon.

Pero ayon kay dela Rosa, walang nakitang essentially background o radioactive material sa katawan ng tatlo. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply