Leakage sa DOJ tungkol sa kaso ng LTO chief ikinagalit ni De Lima

PINAIIMBISTIGAHAN na ni Justice Secretary Leila de Lima ang lumabas na leakage tungkol sa illegal registration ng Mitsubishi Pajero sa Tarlac City noong 2009 na kinasasangkutan ni Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres.

Una ng lumabas ang impormasyon na inirerekomendang ibasura ng prosecution panel ng Department of Justice (DOJ) ang kasong falsification of documents laban kay Torres.

Ayon kay De Lima, dismayado siya dahil nagdudulot ng kalituhan sa publiko ang tunay na estado ng kaso, gayong nasa investigation process pa lang naman sila at wala pang nabubuong resolusyon.

Nilinaw ng kalihim na covered ng rule of confidentiality ang DOJ, tulad ng ibang ahensya na may quasi-judicial functions kung kaya’t walang dapat na makaalam ng laman ng isang resolution bago ito ipalabas.

Ikinairita rin ni De Lima ang pagsasangkot ng pangalan ni Undersecretary Francisco Baraan III na umano’y nagtangkang humarang sa pagpapalabas ng resolusyon.

Iginiit ng kalihim na walang kinalaman si Baraan sa kaso at ang hinawakan lamang nito ay patungkol sa fact-finding investigation sa isyu ng takeover ng Stradcom sa compound ng LTO. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply