Legal adviser ni PNoy ipatapon sa Fukushima

IPINATATAPON ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa Fukushima Daiichi nuclear plant sa Japan ang mga legal adviser ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino dahil sa pagsusulong ng panukala para sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Santiago, ipinahamak ng mga legal adviser si Pangulong Aquino dahil hindi pinaiintindi dito na labag sa Konstitusyon ang postponement ng ARMM elections.

“It’s the fault of his legal adviser, they should all be sent to Fukushima,”giit ng senadora.

Binigyang-diin pa ng kinikilalang constitutionalist ng Senado na hindi maaaring amiyendahan ng isang panukalang batas ang Organic Act of ARMM, maliban na lamang kung papayag ang mga naninirahan sa nasabing rehiyon sa pamamagitan ng plebisito.

“The Constitution is being violated on at least three counts, so I can’t possibly vote on this law, it violates the Constitution,”diin ni Santiago.

Matatandaan na sinertipikahan pa ni Aquino bilang urgent measure ang panukala para ma-postpone ang ARMM elections sa darating na Agosto, pero tinutulan ito ng ilang miyembro ng Senado sa pangunguna ni Sen. Juan Miguel Zubiri na tubong-Mindanao.

Samantala, umaasa naman si Sen. Franklin Drilon na maipapasa pa rin ang nasabing panukala sa kabila ng pagtutol ng maraming senador.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply