Let’s get ready to rumble!

HINDI n’yo ba napapansin?

May pagkakahawig ang kasalukuyang iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Malakanyang at ang pinakakaabangan sanang labanan nina Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at “Pretty Boy” Floyd Mayweather.

Ang Simbahang Katoliko si Pacman at ang Palasyo si Pretty Boy.

Atat na atat na kasi makipag-rambulan ang Simbahan, pero iwas-pusoy naman ang Malakanyang.

Katunayan ay nagsagawa pa ang una ng isang inter-faith rally noong Biyernes upang ipamukha sa mga tagasuporta ng RH Bill, kabilang ang Malakanyang, na overwhelming ang suporta ng populasyon sa bansa sa mga kumokontra sa panukalang batas.

Ayon sa mga nag-organisa, 200,000 umano ang nakiisa sa rally. Pero ang sabi naman ng Manila Police District, 40,000.

Hindi ko masabing nagsisinungaling ang mga taong-Simbahan, pero malaki ang eksperyensa ng mga pulis-Maynila pagdating sa pagtantya ng dami ng mga dumalo sa isang rally.

Ang sagot naman ng Malakanyang: hindi mababago ng isang rally lang ang posisyon nito na isulong ang responsible parenthood.

Anito, ang mag-asawa ang dapat nagdedesisyon ng bilang ng magiging anak.

Pero ayaw muna nitong makipagsalpukan. Hind pa umano napapanahon.

Katuwiran ng mga taga-Palasyo sa mga obispo: “’Wag n’yo muna kaming puntiryahin. Talunin n’yo muna si Sugar Shane Mosley, eheste, ang Kamara de Representantes at Senado.”

Nasa Kongreso pa kasi ang RH Bill, ang sentro ng away. Kumbaga, ito ang pinaka-pamkampeong sinturon (championship belt).   Fort Nicolas

Kapag hindi nagawang pigilan ng Simbahan ang pagpasa ng RH Bill sa antas ng mga mambabatas, saka lamang magkakaroon ng linaw ang labanang Simbahan-Palasyo dahil si Pangulong Noynoy ang siyang pipirma upang ang RH Bill ay tuluyan nang maging batas.

Alam ko, alam ko hindi perpekto ang paghahalintulad ko. Pero sina Pacman at Mayweather ang unang sumasagi sa isip ko kapag nababasa ko ang mga pag-eespadahan ng mga salita ng dalawang kampo.

Ano magagawa ko kung adik ako sa boksing? Fort Nicolas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply