LGBA Open sasalipawpaw sa Martes

MAGSASALPUKAN ang mga de-kalidad na panabong sa gaganaping Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa isang Open 5-cock derby sa Martes, Marso 22, sa WTJ Sports and Amusement Center sa Makati City.

Sa pagbubukas ng 2011 cock season ng LGBA sa ilalim ng superbisyon ng bagong pangulo nito na si Boyet Plaza at sa pagtataguyod ng Pilmico Animal Nutrition, tinatayang mahigit sa 100 laban ang masasaksihan kung saan ang mga non-LGBA members ay inaanyayahan ding lumahok at maaring magpasok ng mga banded at non-banded na panabong.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Taz Lunasco sa 211-1534 o 0917-5692956. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply