LGUs nagkapit-kamay laban sa kalamidad

UPANG mabawasan ang posibleng pinsala na idudulot ng mga paglindol sakaling gumalaw na ang Marikina fault line at lupit ng mga bagyong tulad ng “Ondoy” ay nagkaisa ang pitong local government unit na magdaos ng workshop planning.

Ang Disaster Risk Reduction Workshop ay ginanap sa Sentrong Pang-kultura ng Marikina City at dinaluhan ng mga kinatawan ng  pitong LGU, na binansagang “Alliance of Seven Congregates.”

Ang mga ito ay binubuo ng mga siyudad ng Marikina, Quezon, Antipolo at Pasig, at mga bayan ng Cainta, San Mateo at Rodriguez (dating Montalban), na siyang nangangalaga sa Marikina Watershed.

Kasama sa topic sa nasabing workshops ang pagpoprotekta at pagpepreserba ng Marikina Watershed at ang kahandaan sa mga kalamidad tulad ng mga pagbaha at landslides mula sa mga kabundukan.

Sinabi ni Marikina Mayor Del de Guzman na dapat magkaisa ang nasabing LGUs na grabeng tinamaan ng bagyong Ondoy para maiwasan ang  matinding perhuwisyo.

“All of us, the worst-hit areas and the respective LGUs, need to work together for improved coordination, policy harmonization, development of socio-friendly livelihood alternative and settlements that will provide protection as well as development of the watershed and its invironments,” ani De Guzman.

Dagdag ng alkalde: “We, the city government, hope that with this alliance, we can better address the concerns and provide solutions to pressing  problems such as the looming danger of flooding.” Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply