LGUs sa ARMM pumapabor sa pagpapaliban ng halalan

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang konsultasyon sa mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hinggil sa panukala na ipagpaliban ang halalan dito sa Agosto.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, iikutin nila ang lahat ng lalawigan na sakop ng nasabing rehiyon upang personal na mapulsuhan ang tunay na sentimyento ng mga ito sa posibilidad na ipagpaliban ang ARMM election.

Ayon kay De Lima, sa kanilang pakikpagpulong sa mga opisyal ng Cotabato, Marawi at Zamboanga ay lumalabas na mayorya sa mga ito ay pabor na ipagpaliban ang halalan sa ARMM.

Maging ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ay sinusuportahan ang panukalang batas na ipagpaliban ang nasabing halalan. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply