Libelo ikinasa ni John Lapus vs Jobert Sucaldito

IKINASA na ng komedyante at TV host na si John Lapus, Jonathan Anthony Lapus sa tunay na buhay, ang pagsasampa ng kasong libelo laban kay radio host-columnist Jobert Sucaldito sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO).

Nag-ugat ang kaso sa artikulong isinulat ni Sucaldito at nailathala sa tabloid na Bandera noong Pebrero 19, 2011, na nakasaad na gumawa umano ng gulo si Lapus sa loob mismo ng “The Library,” isang comedy  bar sa Malate, Manila.

Nauna nang binantaan ni Lapus si Sucaldito na ihahabla niya ang huli dahil sa puro kasinungalingan umano ang isinulat nito sapagkat wala namang away na naganap sa naturang bar.

Sa kanyang 8-pahinang reklamo, maliban kay Sucaldito ay kinasuhan din ni Lapus ang entertainment editor at publisher ng Bandera na sina Ervin Santiago at Eileen Mangubat, ayon sa pagkakasunod.

“The news article maliciously imputed to me a crime, vice and defect. Therein, I was wrongly pictured as a man-hunting gay who would do anything to satisfy his sexual pleasure,” pahayag ni Lapus, kilala rin sa tawag na “Sweet.”

Malisyoso umano ang artikulo, lalo na ang ulat na pinupuwersa ni Sweet ang isang lalaking magkaroon ng seksuwal na relasyon sa kanya.

Lalo pa umanong pinasama ng ulat ni Sucaldito ang imahe ni Lapus nang sabihan nitong nakaranas na ng kahalintulad na insidente si Sweet sa ibang bar. Aniya, madalas umanong sumulat si Sucaldito ng malisyoso, walang katotohanan at unverified na balita tungkol sa kanya.

Maging sa programa nito sa radio na “Mamo” na ini-iere sa DZMM, patuloy umano aniyang inaatake ang kanyang repustasyon ni Sucaldito  kaya nakatakda ring maghain siya ng hiwalay na kaso kaugnay pa nito.

“The article is damaging to the reputation I had worked so hard to protect. It is aimed at destroying my good public image which took me years to build,” ani Lapus.

Hindi lang umano siya ang sinaktan ni Sucaldito kundi maging ang kanyang pamilya lalo na si Ma. Luisa Lapus Madrazo at mga anak nito.

Sinabi pa ni Lapus na naiskandalo rin ang Lagro Subdivision sa Novaliches, Quezon City na lugar ng kanyang pinaglakihan at naging usap-usapan na siya ng mga taong hindi siya kilala ng personal dahil  sa inilathalang ulat ni Sucaldito.

Naghain din ng hiwalay na affidavit si Gng. Madrazo para pagtibayin ang mga alegasyon ng kanyang kapatid laban kay Sucaldito. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply