Libong mag-aaral sa QC posibleng mahinto sa pag-aaral

PINANGANGAMBAHANG posibleng matigil sa pag-aaral ang mahigit sa 7,500 mag-aaral sa Barangay Silangan sa Quezon City.

Ito ay sakaling matuloy ang rekomendasyon ng city government na paggiba sa eskuwelahan  ng Barangay  Silangan Elementary at  High School  dahil sakop ito ng west valley fault line na mapanganib kapag tinamaan ng lindol.

Sa kasalukuyan ay hindi lamang ang paglilipatan at relokasyon  ng nasabing eskuwelahan  ang suliranin ng pamahalaang lungsod kundi maging ang paglilipatan sa mga residente sa lugar na humihiling na isama sila sa relokasyon sa kadahilanang nasa paligid din sila ng paaralan naninirahan.

Ang nasabing barangay ay nauna nang inirekomendang ilipat dahil nasakop ito ng west valley fault line, karugtong  ng Marikina fault line  na nanganganib lumubog sakaling lumindol ng kasinlakas sa Japan.

Bagamat madalas ang isinagawang earthquake drill sa nasabing paaralan bilang paghahanda kontra sa nabanggit na kalamidad, ayaw pa ring ipagsawalang bahala ng Quezon City ang kaligtasan ng mga estudyante. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply