Libong OFWs maiipit sa giyera sa Libya

KINAKALAMPAG ngayon ng militanteng alyansa ng mga mangagawang Migrante International ang Malacanang  sa peligrong posibleng maipit sa giyera sa Libya ang may lima hanggang siyam na libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong pinasimulan na ng coalition forces ang pag-atake sa nasabing bansa .

Ayon kay  Garry Martinez, taga pangulo ng Migrante International, aabot sa siyam na libo pang Filipino ang naiwan sa Libya at posibleng hindi na ito makalabas ngayong pinasimulan na ng mga magkaka-alayadong banasa sa pangunguna ng United States of merica ang Operation: Odyssey Dawn.

Sinabi pa ni Martinez na kung noon ay nahirapan ang Department of Foreign Affair na hanapin at ilabas ng Libya ang libu-libong OFWs mas higit na mas mahihirapan nang ilikas ang mga nalalabing manggagawang Pinoy dahil sa nagsimula na ang totohanang digmaan.

Nabatid na kaninang alas 6:00 ng umaga ay pinasimulan na ng allied forces na bombahin ang posisyon ng mga puwersa ni Col.  Moammar Gadhafi at pilayin ang kanilang air defense system.

Bukod sa  110 Tomahawk missiles ang pinakawalan ng Gran Britanya at Estados Unidos na tumama sa 20 targets sa Libya ginagapang na rin ng 25 barkong pandigma ng America at tatlong submarines ang nakapaligid ngayon sa Libya. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply