Libong Pinoy sa Madagascar lumikas dahil sa Malaria

UMABOT ng higit isang libo ang umuwing mga OFWs galing ng Madagascar dahil sa tumitinding problema sa sakit na Malaria.
Nabatid na mabilis na kumakalat ngayon ang naturang sakit sa Madagascar.

Dumating ang may 510 na OFW kung saan ikatlong batch na ito na lumikas sa naturang bansa.

Ayon sa isang opisyal ng OWWA at DFA, pinag-aaralan nilang dumaan muna sa isang quarantine area ang mga dumarating na OFW galing sa nasabing bansa para hindi makahawa.

Tinatayang aabot pa sa dalawang libong mga OFW ang nasa Madagascar, ito ay ayon mismo kay Migrant Workers Affairs Special Assistant Enrico Fos.

Noong nakaraan buwan ay nagpadala ang Pilipinas ng isang team na susuri sa isang mining site doon na pinaniwalaang mayroong kumakalat na malaria. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply