Libreng pambansang assessment, certification inilunsad ng TESDA

KINUMPIRMA ni TESDA Director General Joel Villanueva na may 60,000 skilled workers, trainers at Technical Vocational Education and Training (TVET) graduates maging ng graduating students ang inaasahang makikinabang sa kauna-unahang  National TVET Competency Assessment and Certification (NATCAC) Week.

Ito ay isasagawa sa tatlong petsa sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan ang una ay sa March 28-April 1 sa lahat ng TESDA centers sa buong bansa.

Tiniyak ni Villanueva na kapag nagampanan o napagwagian ng lahat ng lalahok ang mga kompetensya ay bibigyan sila ng national certificate na maaaring gamitin sa paghahanap ng trabaho.

Inihayag ng hepe na “objectives is to increase the number of certified Filipino workers and TVET graduates so they can be qualified for good jobs.”

Nais din aniya ng pamunuan ng TESDA na palakasin  ang lawak ng assessment program.

Ang NATCAC ay sabay-sabay na pagdaraos ng “assessment and certification” sa mga kuwalipikasyon  na in demand sa mga industriya.

Ang assessment ay bukas sa skilled workers gaya ng TVET graduates at graduating students ng Construction (Electrical Installation and Maintenance NC III, Electrical Installation and Maintenance NC II, Masonry NC III, Plumbing NC II, Carpentry NC III, SMAW NC III, SMAW NC II and Construction Painting NC III), ICT (Visual Graphics NC III, 2D Animation NC III, 3D Animation NC III, Programming NC IV, Computer Hardware Servicing NC II), Electronics (Mechatronics NC III, Instrumentation NC III, Consumer Electronics Servicing III).

Bukas din ito sa mga kursong gaya ng Tourism (Food  and Beverage Services NC II at III, Commercial Cooking NC II, Bread and Pastry Making NC II, Housekeeping NC III, Housekeeping NC II and Events Management Services NC III and Automotive and Land Transport(Automotive Servicing NC II and III and Driving NC III).

Ang sinumang interesado ay dapat kumuha muna ng assessment application form sa lahat ng sangay ng TESDA Regional at Provincial/District Offices and TTIs nationwide. Maaari ring mag-log sa TESDA website at www.tesda.gov.ph o kaya ay tumawag sa TESDA hotline (887-7777) o text 09182738232 at  09174794370  para sa aplikasyon.

Ang application form ay dapat isumite kasama ang self-assessment guide, three passport-sized pictures at isumite sa TESDA Provincial/District Office at TTIs.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang March 15.

Ang listahan ng mga papasa ay ipapalathala sa pahayagan. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply