Libreng sakay bukas ikinasa vs transport strike

NAGLATAG na ng security and contingency plan ang Armed forces of the Philippine National Capital  Regional Command laban sa bantang transport strike ng militanteng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper Operators Nationwide (PISTON).

Ayon kay Army B/Gen. Tristan Kison, AFP National Capital Region Command chief, 35 military trucks ang kanilang ikinasa para sa libo-libong commuter na maaaring ma-stranded bunsod ng transport caravan na ikinakasa ng mga militanteng transport organization.

Nabatid na nakipag-ugnayan si Kison sa Metro Manila Development Authority at PNP National Capital Regional Police Office ukol sa kahandaan sa transport strike na haharapin.

Nakatakdang paputuking bukas ng PISTON ang transport strike bilang pagkondena sa banta ng Malakanyang na kakanselahin ang kanilang prangkisa sa oras na ituloy ang protesta. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply