Libreng sakay para sa commuters inilaan

NAGLAAN ng mga bus at libreng sakay ang awtoridad para sa mga commuters na maaapektuhan ng malawakang protesta ng militanteng grupo ng mga tsuper.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino , 4:00 pa lamang ng madaling-araw nagmo-monitor na ang mga MMDA, at nag-aabang sa maaaring maapektuhan ng naturang protesta.

“Unang ipinakalat ang first batch ng bus para sa Sucat-Baclaran route — mga 5 a.m. Marami tayong mino-monitor na areas. Matagal nang pinaghandaan ito. Mamaya patuloy ang paglalabas ng libreng sakay,” ayon sa isang panayam kay Tolentino sa dzBB.

Ayon kay Tolentino, kasama niya ang mga pulis at militar na tumungo sa MMDA Command Center kaninang madaling-araw. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply