Libreng tawag sa OFWs sa NZ, ME

NAGBIGAY ng libreng tawag ang National Telecommunication Commission (NTC) sa mga apektadong overseas Filipino worker (OFW) sa iba’t ibang bansang may kaguluhan, tulad ng ilang bansa sa Middle East, at New Zealand na sinalanta ng malakas na lindol.

Inilagay ng NTC ang mga “Libreng Tawag” booth sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa mga nasabing booth ay maaaring makatawag ng libre sa mga kamag-anak na OFW na nasa bansang nabanggit.

Ang mga nasabing booth ay libre mula ika-1 hanggang ika-8 ng Marso 2011, at bukas mula 9 a.m. hanggang 6 p.m.

Nagtutulong-tulong ang mga lokal na kumpanya ng telekomunikasyon gaya ng Globe Telecom, Digitel Phils. (Sun Cellular), and Smart Communications upang maisagawa ang nasabing isang-linggong programa. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply