Libu-libong baril kumpiskado sa Dubai

KUMPISKADO ang 16,000 na pistols sa Dubai makaraang matunugan ng mga pulis na nakapaloob ito sa isang container van sa Dubai Port, ito ay ayon kay Dubai police Commander-in-Chief Dhahi Khalfan Tamim.

“We shall not allow any criminal elements to use our territories to carry out any illicit plot that poses threat to peace and security of any country,” pahayag ni Tamim.

Nabatid na ang mga kotrabando ay galing sa Turkey at papunta sana sa bansa ng Yemen. Noong nakaraang linggo ay 52 katao ang napatay matapos pagbabarilin ang mga ito sa isang kilos protesta.

Nakabalot nang maigi ang mga baril sa mga karton kung saan inilagay sa loob ng mga kasangkapan. Pansamantalang inimbak muna sa isang warehouse ang naturang container van na nakatakda sanang dalhin sa Yemen nang maaamoy ng kapulisan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply