Libyan opposition leader, humingi na ng saklolo

HUMIHINGI na ng saklolo si Libyan Opposition Leader Mustafa Abdul-Jalil sa ibang mga bansa para mapatupad na ang no-fly zone sa kanilang bansa.

Ayon kay Abdul-Jalil, kapag hindi ito maipatupad nang agaran ay maraming masasawi na kanyang kababayan.

“It has to be immediate action. The longer the situation carries on, the more blood is shed. That’s the message that we want to send to the international community. They have to live up to their responsibility with regards to this”, pahayag ni Abdul-Jalil sa isang interview sa CNN.

Lumabas si Mustafa matapos magbigay ng ransom si Moammar Gadhafi para sa pagkakahuli nito na tinawag niyang “an agent spy”.

Sa isang Libyan state television inanunsiyo nito ang reward ng 500,000 Libyan dinar o katumbas ng $410,900 U.S. dollars ang sinumang makakahuli o makapagdala sa agent spy.

Patuloy ang pagsalakay ng Libyan forces sa mga sinasabing mga kuta ng mga oposisyon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply