Lifestyle check sa customs collector ng Cebu

CEBU CITY – Nanawagan Huwebes, Marso 10, ang isang grupo ng mga kawani sa Bureau of Customs na nakatalaga rito na ipa-lifestyle check ang kanilang hepe upang mabigyan ito ng pagkakataong mapatunayang hindi sumusobra sa kanyang sweldo at iba pang lehitimong income ang tinatamasa niyang kasaganaan sa buhay.

Ang nasabing grupo na nagpakilalang Samahang taga-Customs Para Matuwid na Daan ay nagpahayag sa Remate ng kanilang suporta sa kampanya ng administrasyong Aquino laban sa katiwalian sa gobyerno at nangakong sila mismo ang magbubunyag sa publiko ng mga katiwaliang magaganap sa kanilang ahensiya.

“Nais naming magsimula ang aming pagmamatyag sa mismong mga tanggapan ng namumuno rito sa Cebu Customs kung kaya hinihiling namin sa Ombudsman at sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno na suriin o i-lifestyle check ang aming hepe na si Collector Ronnie Silvestre upang kanyang mapasubalian ang bintang na siya’y nagpapasasa sa marangyang pamumuhay nang higit sa kanyang lehitimong income,” pahayag ng spokesman ng SCPMD, na nakiusap na itago lang ang kanyang pagkakakilanlan.

Ayon pa sa nasabing spokeman “Collector Silvestre should come clean para epektibo niyang maipatutupad dito sa aming tanggpan sa Cebu Customs ang anomang repormang makapagpapatibay sa anti-graft campaign ng gobyerno.”

Sa kaugnay na balita, nagpahayag din ang nasabing grupo ng pagkadismaya sa ulat na umabot ng mahigit apat na taon bago umaksiyon ang Ombudsman sa suspension ng Customs employes na nasasangkot sa umano’y maanomalyang pag-dispose ng frozen meat na inismagel sa bansa mula sa China.

Ang nasabing kargamento ay halos ubos na ang laman nang buksan ang mga kahon nito na dadalhin sana sa lalawigan ng Pampanga, na siyang ikina-suspinde ng mga nasasangkot na kawani ng customs bureau.

“Eh, bakit inabot ng apat na taon bago masuspinde ang mga nasasangkot at bakit yong maliliit lamang na empleyado ang nasibak,’ pahayag ng maraming kawani ng nasabing ahensiya. Remate Investigative Team

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply