Ligot aarestuhin na

IPINAAARESTO na ng Senado sa tanggapan ng Senate Sergeant at Arms (OSAA) si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Gen. Jacinto Ligot matapos na i-contempt ito ng Senate Blue Ribbon
Committee samantalang hindi naman kasama na ipinaaaresto ang asawang si Erlinda  sa kabila ng contempt.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona, Jr., chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, napagkausunduan ng mga senador na huwag ng ipaaresto si Erlinda dahil sa humanitarian consideration lalo na sa kalagayan nito.

Kabilang sa mga lumagda at sumuporta sa contempt at pag-aresto ay sina Senador Sergio Osmena, Gringo Honasan ,  Juan Miguel Zubiri, Ramon Revilla, Ralph Recto, Pia Cayetano, Francis “Kiko” Pangilinan Franklin Drilon, Guingona at Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile bilang mga ex-officio.

Matapos na makakuha ng sapat na lagda agad na dinala ni Guingona ang kopya ng arrest warrant laban kay Ligot kay OSAA head General Jose Balajadia.

Aminado si Guingona na napilitan silang ipalabas ang kautusan ng pag-aresto kay Ligot matapos na mabigo ang mag-asawa na dumalo sa pang-walong pagdinig ng Senado hinggil sa Garcia plea bargaining
agreement.

Binigyang-linaw naman ni Guingona na hindi pa rin ligtas si Erlinda dahil sa sakaling matukoy na maayos na ang kalusugan nito ay kanila rin itong ipapaaresto.

Tiniyak naman ni Guingona na sakaling sumagot na ang mag-asawang Ligot sa mga tanong ng senador mismong ang mayoryang senador din ang magsasabi na pakawalan ang heneral.

Isang silid ang inihanda ng OSAA para sa pansamantalang tutuluyan ni Ligot sa gusali ng senado. Dahil dito wala ng dahilan pa upang hindi ito makadalo sa pagdinig ng Senado.

Iginiit naman ni Guingona na handa silang dalhin sa pagamutan ang heneral sakaling kinakailngan ng pagkakataon.  Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply