Ligot laya na

PINAKAWALAN na ng Senate Blue Ribbon Committee si dating AFP Comptroller  Lt. Gen  Jacinto Ligot at inalis na rin ang contempt charges laban sa asawa na si Erlinda.

Ayon kay Committee Chairman Teofisto Guingona III, kuntento sila sa mga sagot ng mag-asawa kaya walang dahilan para  ituloy pa ang reklamo sa kanila.

Magugunitang, ikinulong sa Senado si Ligot nitong Huwebes samantalang si Erlinda ay nanatili sa tahanan nito “for humanitarian reason”.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Sen. Jinggoy Estrada na inulit lamang nila ang mga tanong noong nakaraang pagdinig at nasiyahan naman sila sa sagot nang mag-asawang ligot kung kaya nagpasya ang komite na pakawalan na sila.

Sa nasabing pagdinig, inamin ni Erlinda na ang Erllinda Ligot at Erlinda Yambao ay iisang tao lamang at siya iyon na nagbenta ng bahay sa Estados Unidos.

Inirekomenda naman ni Senador Franklin Drilon ang pagsampa ng graft charges laban sa mag-asawa. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply