Lindol, tsunami, kaguluhan sa mundo hindi parusa ng Diyos –CBCP

NILINAW ng mga obispo ng Simbahang Katoliko na hindi parusa ng Diyos ang mga nagaganap na kalamidad sa mundo, tulad ng lindol at tsunami sa Japan, na kumitil ng maraming buhay at sumira sa bilyong halaga ng ari-arian.

Ayon kina Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, ang mga taong nagsasabi na ang mga kalamidad ay parusa ng Diyos ay paniniwala lamang ng “secular materialistic society.”

“The people who are saying this are very secular materialistic people. The people who don’t believe in God anymore,”  ayon kay Gutierrez, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Binigyang-diin ni Gutierrez na kailangan nang magbago, magsisi sa kasalanan at magbalikloob sa Diyos ang mamamayan para maging handa sa anumang trahedya, kalamidad at pagsubok na maaaring kaharapin.

Samantala, ayon naman kay Cotabato auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi totoong parusa ng Diyos ang naganap na trahedya sa Pilipinas at sa ibang bansa ng mundo dahil hindi malupit ang Panginoon.

Anang obispo, ang nagaganap na trahedya at mga kalamidad ay natural disaster at man-made disaster o dala ng kapabayaan ng mga tao na maaaring mabawasan at makontrol kung ang bawat mamamayan ay may malasakit sa kalikasan.

Hinimok din ni Bagaforo ang overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng lindol at tsunami sa Japan gayundin ang mga naiipit sa kaguluhan sa Libya, Bahrain, Yemen, Syria at Tunisia na huwag mawalan ng pag-asa, huwag magpanik, huwag magdesisyon ng padalos-dalos at huwag kalimutang magdasal. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply