Litsunan ng baboy naabo

TINATAYANG aabot sa 1.5 milyong piso mga mahahalagnag gamit ang nilamon ng apoy makaraan na magliyab hanggang sa matupok ang isang commercial building sa Quezon City Sabado ng madaling araw, Marso 5.

Sa inisyal na ulat ni Fire Officer 2 Wilson Bautista ng Quezon City Fire, tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang Henking Lechon na pag-aari ng isang Annabelle Bulatao na matatagpuan sa A. Bonifacio kanto ng Agustin sa La loma sa nabanggit na lungsod.

Nagsimula ang nasabing sunog ganap na ala-1:00 ng madaling araw nang bigla na lamang may sumiklab sa gitnang bahagi ng nasabing gusali hanggang sa tuluyang lamunin ito ng apoy at nadamay pati ang katabing apartment.

Nabatid mula kay Fire Officer 3 Sherwin Peñafel na Short circuit o faulty wiring ang kanilang tinitignan na pinagmulan ng sunog .

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula ang apoy ganap na alas-2:00 ng madaling araw.

Patuloy ang pagsisiyasat ng BFP sa nasabing insidente. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply