Lola pinagnakawan na sinaksak pa sa Navotas

ISANG lola ang nasa kritikal na kalagayan matapos itong dalawang beses na saksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang magnanakaw nang mabuking ng una dahil sa pagransak ng kabinet sa loob ng kanyang tahanan Linggo ng madaling araw, Marso 6 sa Barangay Tangos, Navotas City.

Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin tangay ang ilang hindi pa batid na nakulimbat na kagamitan ng biktima.

Nakilala ang biktima na kasalukuyang nakaratay at ginagamot sa Mary Jhonson hospital sanhi ng dalawang saksak sa may likuran at sa sa tagiliran ay si Oliva Gallardo, 60, balo at residente ng A.R Cruz st., Tangos ng nasabing lungsod.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, ganap na alas-tres kahapon ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa loob ng pamamahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang nakarinig ng ingay sanhi ng sapilitang pagransak ng mga suspek sa plastic cabinet na kinalalagyan ng mga importanteng bagay sa loob ng kanyang kwarto.

Bago makakilos ang matanda agad nitong inundayan ng saksak sa likuran at inulit pa sa tagiliran na naging sanhi ng pagkalugmok nito sa kanyang kinahihigaan.

Agad na nagsisigaw ang matanda na naging dahilan para mataranta ang mga salarin at agad tumakas ang mga ito.

Nang makita ng mga residente ang duguan na katawan ng biktima ay agad itong dinala sa nasabing pagamutan kung saan agad nilapatan ng lunas.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may inside job sa pangyayari dahil walang bakas na sinira ang pintuan ng bahay. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply