Lolo hinostage, sinaksak ang kinakasama

HINOSTAGE muna bago pinagsasaksak ng isang lolo ang kanyang kinakasama dahil sa matinding selos Biyernes ng hapon, Marso 25, sa Teresa, Rizal.

Kinilala ni Teresa chief of Police P/Sr. Insp. Marcelino Pipo ang biktima na si Concordia Opresa, 51, residente ng Sitio Burol Brgy. May-iba ng nasabing bayan.

Kusang loob namang sumuko sa binuong crisis management team ng Teresa Police ang suspek na si Roberto Kosca, 64, live-in partner ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa bahay na tinutuluyan ng suspek at biktima.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima kaugnay umano sa panlalake ng huli na mariin naman nitong itinatanggi.

Sa galit ng suspek ay kumuha ito ng patalim at  saka isinarado ang bahay upang hindi makahingi ng tulong ang biktima saka ito tinutukan ng patalim para  mapilitang umamin.

Binalaan din ng suspek ang mga kalugar na huwag makikialam dahil papatayin niya ang biktima.

Gayunman isang concerned citizen ang nagreport sa pulisya nang makitang pinagsasaksak na nito ang kinakasama at agad na binuo ang crisis management team na siyang nakipag negosasyon sa suspek.

Makalipas ang ilang sandali nang negosasyon ay sumuko ang suspek at isinugod sa pagamutan ang biktima.

Kasong serious illegal detention at frustrated homicide ang inihahandang kaso ng pulisya sa suspek. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply