Lolo, ilang ulit nang rape ng 3 bata, kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang lolo matapos itong sampahan ng kasong multiple statutory rape ng ama ng tatlong magkakapatid na pawang menor-de-edad na paulit-ulit umanong minolistiya ng una sa loob ng kanilang bahay at sa iba’t-ibang lugar sa Navotas City.

Ang suspek na naghihimas ngayon ng rehas na bakal sa kulungan sa Navotas at nahaharap sa patong-patong na kaso ay nakilalang si Antonio Grutas, 50, ng JB Santos St., Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Ang magkapatid na sina Antonina, 11; Juvy, 7; at Katrina, 5; pawang hindi tunay na pangalan, ay sinamahan ng kanilang ama na si Ferdinand, 37, ng Barangay Tenejiros, Malabon City, sa tanggapan ng Women and Children Complaint Desk (WCCD) para pormal na ipaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

Ayon sa sa ulat ni PO3 Arlene Alvero, chief ng WCCD ng Navotas police, mula pa November 2010 at March 2011 ng simulan ang sexually molestation kay Antonina sa pamamgitan ng pag-finger ng kanyang genitalia, habang ang mga nakakabatang kapatid ay pinag hahawakan din sa maseselang bahagi ng katawan.

Nabatid ang mga kapatid ay naninirahan sa bahay ng kanyang grandfather na si Antonio Grutas kung kaya’t malayang naisagawa ang nasabing sexually molestation at hindi makapag sumbong dahil sa pagbabanta ng suspek na papatayin sila.

Matapos isagawa ang huling pang-aabuso ng suspek kay Antonina kahapon sa Centennial Park sa may C4 ay naglakas loob na isumbong sa kanyang ama na agad namang kumilos at pormal na nagsampa ng reklamo sa pulisya.

Si Grutas ay pormal nang sinampahan ng tatlong kaso; Multiple Statutory Rape kay Antonina, habang State Rape kay Juvy, at Acts of Lacsiviousness naman ang kaso sa bunsong si Katrina.

Ang mga biktima ay nasa pangangalaga na ngayon ng sariling magulang sa Malabon City. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply