Long Mejia tinalakan ng ABS CBN executive

HANGGANG ngayon daw ay nanggagalaiti pa rin sa galit ang isang ehekutibo ng ABS CBN kapag naririnig ang pangalan ng komedyanteng si Long Mejia. Kahit daw sa talikuran ay patuloy pa rin daw pinagtatatalakan ng nasabing ehekutibo ang komedyante.

Ang dahilan pala, tinanggihan ni Long Mejia ang alok ng nasabing ehekutibo na magbalik ito sa ABS CBN at ilalagay siya bilang regular host ng bagong noontime show na Happy…Yipee..Yeheey..

Ayon na rin kay Long, totoong kinausap siya ng nasabing ABS CBN executive at isasali nga siya sa nasabing noontime show. Hindi raw agad siya sumagot dahil kailangan niyang pag-isipan lalo pa nga at nire-request siya ng kaibigan niyang John Estrada.

Pero, napag-isip-isip daw ni Long na lalabas na wala siyang utang na loob sa TV5 kung bigla na lamang itong magpapaalam kaya minabuti ni Long na tanggihan na lamang ang alok. Sabi ni Long, masayang-masaya siya ngayon sa TV5 na siyang nagbigay sa kanyang ng magandang break at nagbigay ng magandang pag-asa sa buhay.

Napag-alaman namin na noong nasa ABS CBN pa si Long ay naburo lamang siya dito hanggang sa magkahirap-hirap siya sa buhay. That time daw, hindi alam ng mga tao na kilala na nga siyang artista pero, utang-utang naman siya at nagbebenta na ng mga gamit niya dahil sa kahirapan.

Dahil sa pagiging loyal sa TV5 ni Long, natuwa sa kanya ang management at binigyan na siya ng exclusive contract.

Maraming show ngayon si Long sa TV5 at isa na dyan ang bagong format na Happy Together kung saan si Joey Marquez na ang kanyang ka-tandem kapalit ni John Estrada.

CRISTY FERMIN, DEADMA LANG SA GURANG NA BADING NA NAGLALAWAY SA GALIT!

UP to now, usap-usapan pa rin ang walang sawang paninira ng isang matandang payat na bading na kung magtititili sa radyo ay mistulang sirena ng bumbero sa tinaguriang reyna ng intriga na si Cristy Fermin.

Mapa-radyo at dyaryong pinagsusulatan ng matandang bading ay lagi niyang tinitilian si Cristy Fermin na kung minsan, dumarating na sa puntong personal na ang ginagawa niyang banat.

Sa totoo lang, hindi kami naaawa kay Cristy Fermin sa ginagawang pambabanat ng payatolang bading sa reyna ng intriga kundi sa bading na payatolang ito kami naaawa na mistula siyang isang asong ulol na kahol ng kahol na wala namang kinakahulan.

Ibig naming sabihin, kahit naglalaway na sa galit at nagbubula na ang bibig ng payatolang bading ay deadma lamang si Cristy Fermin. Ayaw patulan ni Cristy ang anumang banat sa kanya ng payatolang bading dahil sa tingin namin, hindi bababa ng kanyang level si Cristy para sa hindi kapatol-patol na tao.

Ako man, hindi namin makuha ang punto o logic kung bakit ganoon na lamang ang ginagawa ng payatolang bading na ito kay Cristy na iisa lamang ang aming nakikita na malaking inggit ang sumusukob sa pagka- tao ng bading na payatola.

Sa totoo lang, dapat nating tanggapin ang tunay na reyalidad ng buhay na si Cristy Fermin na nga ang tunay na reyna, at hindi nakapagtatakang mahal na mahal at super alaga siya ngayon ng TV5 dahil lahat ng programa ni Cristy sa TV5 ay number one sa ratings. Maging ang kanyang radio show na Cristy Perminute sa 92.3 News FM ay number na rin.

Kahit ano pa ang inyong gawin hindi na magbabago ang buhay at career ni Cristy Fermin dahil mukhang nakatakda na ang mga magandang nangyayari ngayon sa buhay ng gossip queen.
Charlie Lozo

INDIE FILM TRAILER NG HOSTAGE KO MULTO NASA YOU TUBE..!

SA darating na March 16 na pala ang showing ng nakaka-intrigang obrang indie film ng nagbabalik director na si Junn P. Cabreira, ang Hostage Ko Multo na pinagbibidahan nina Smokey Manaloto, Jun Urbano, Lea Ledesma, Marie Santiago atbp…

Nasa You Tube nga ang trailer ng nasabing Hostage Ko Multo kung saan tuwang-tuwang paulit-ulit na pinapanood ng mga bata. Naiibang indie film ito na handog ng Simzone Entertainment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply