LPA nagbabanta sa Mindanao

ISANG low-pressure area (LPA) ang nagbabanta ngayon sa Palawan at Mindanao na patuloy na gumagalaw patungong Kanluran.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang LPA sa may 230 km kanluran ng Zamboanga City bandang 2 a.m.

“Bicol Region, Visayas and Mindanao including Palawan will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and isolated thunderstorms, becoming cloudy with scattered to widespread rains over Western Mindanao and Palawan that may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa 5 a.m. bulletin ng Phivolcs.

Ayon pa sa PAGASA, magiging maulap na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang parte ng Luzon.

Kamakailan, napaulat na 16 katao ang nasawi sa pagragasa ng baha at landslides bunsod ng malalakas na ulan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply