LPA nalusaw

PAPALAYO na ng bansa ang low pressure area na nagdudulot ng pag-ulan partikular sa parte ng Visayas at Mindanao.

Batay sa bagong ulat ng Pagasa, namataan, madaling-araw ng Lunes, Marso 28, ang LPA sa layong 290 kilometro sa timog-timog kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Bunsod nito, tanging ang bahagi na lamang ng Palawan ang inaasahan na makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.

Nabatid na umiiral pa rin ang cold front sa bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.

Makararanas naman ng banayad na panahon ang ilang bahagi ng bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply