LPA namataan

NAMATAAN ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA, posibleng makadagdag pa sa mga naitatalang pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang nabanggit na weather disturbance.

Huling namataan ang low pressure area sa mahigit 500 kilometro sa silangan ng Davao City.

Ayon pa sa PAGASA, bahagya itong lalakas mamayang hapon subalit hindi magiging ganap na tropical cyclone dahil sa iba pang mga weather system na nakaka-apekto sa kaniyang development.

Nabatid na apektado naman ng wind convergence ang malaking bahagi ng bansa kaya asahan pa rin ang mga pag-ulan sa dakong hapon at gabi.

Mainit naman ang magiging temperatura ngayong maghapon na maglalaro sa pagitan ng 24 hanggang 34 na antas ng sentigrado. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply