LPG tumagas sa isang gasolinahan

PINALIKAS ang may 500 nursing students ng Family Clinic –Nursing School  dahil sa tumagas na Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa isang gasolinahan sa Sampaloc Maynila, Lunes ng umaga, Marso 21.

Base sa ulat ng mga rumespondeng pamatay sunog, dakong alas-onse ng umaga nang mag-leak ang LPG sa isang gasolinahan sa AH Lacson Ave., at Aragon st., Sampaloc ng nasabing lungsod.

Ayon kay Fire Chief Inspector Bonifacio Carta ng Manila Fire District (MFD), pinalikas nila ang mga mag-aaral sa nasabing eskwlahan na nasa tabi ng gasolinahan para sa kaligtasan ng mga ito.

“The strong smell of the fumes as well as the slightest spark could set off an explosion.  It is good that the area is open,” ayon kay Carta.

Ipinasara na rin ang kalye sa AH Lacson Ave., patungong Quiapo dahil sa spark na magmumula sa mga nagdaraang sasakyan sa lugar.

“This area being open, there is more air than LPG.  If these fumes are confined in a space, then we have a bigger possibility of an explosion,” ayon pa sa opisyal ng MFD.

Napag-alaman na ang nasabing pagtagas ay nagsimula nang magpagasolina ang isang taxi.

Agad namang na-detect ang pagtagas kaya’t naisara agad ang mga valve nito.

“The leak was immediately detected and the valves were closed off,” ayon kay Carta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply