LRT balik na sa operasyon

BALIK operasyon na sa Marso 28 ang Balintawak at Roosevelt Station ng Light Rail Transit (LRT) matapos  ang naganap na banggaan ng dalawang coach ng tren noong Pebrero 18.

Ayon kay LRTA Spokesman  Hernando Cabrera, nakumpleto na umano ang functional testing at safety inspection ng nasabing mga istasyon.

Ani Cabrera, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ay kinumpleto na rin nila ang karagdagang operational procedures.

Sinabi rin ng opisyal na bukod sa re-evaluation ng LRT at MRT system ay magsasagawa pa sila ng karagdagang safety policy, re-training at semi-annual driving sa lahat ng train operators na sasailalim din sa periodic tests.

Matatandaan na noong Pebrero 18 nang magkaaberya ang LRT Line 1 Balintawak at Roosevelt station nang magkabanggaan ang dalawang coach ng tren.

Samantala, inilabas na rin ng LRT ang kanilang schedule para sa Semana Santa sa Abril.

Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, pansamantalang ititigil ang operasyon ng LRT line 1 at line 2 simula alas- 8 ng gabi ng Holy Wednesday, April 20 hanggang sa Linggo ng pagkabuhay, Abril 24, para sa kanilang isasagawang “annual maintenance work.”

Ang operasyon ay magiging regular uli sa Abril 25, dakong alas-5 ng madaling-araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply