LRT sarado sa Holy Wednesday hanggang Easter Sunday

BILANG paggunita sa Mahal na Araw, sarado ang operasyon ng  LRT sa Holy Week mula alas–8 ng gabi ng Miyerkules Santo sa  April 20 hanggang April 24,  Easter Sunday para sumailalim sa kaukulang maintenance work ang mga tren.

Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, matapos ang paggunita sa Mahal na Araw ay muling magbubukas ang operasyon ng LRT sa April 25, Lunes, pasado alas-5 ng umaga.

Ang takbo ng Line 1 ay mula Baclaran station sa Pasay City hanggang Roosevelt station sa Muñoz habang ang  Line 2 stretches ay mula Recto sa  Maynila hanggang  Santolan sa  Pasig City.

Gayunman, nananatiling sarado ang Roosevelt at Balintawak  station ng LRT makaraang may magbanggaang coach ng tren kamakailan. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply