LSGH nanguna sa B-League Elims

PARANG jet na bumulusok sa unahan ang mga batang manlalaro ng La Salle Greenhills upang makuha ang pangunguna sa standing sa katatapos na elimination round ng National Collegiate Billiards League (B-League) na ginanap sa Star Paper Billiards Center, Grace Village in Quezon City.

Ang Junior Archers sa pangunguna nina Hadley Mariano, Pao Daroca at Mario Marcilla ay nakahulagpos mula sa triple tie sa St. Mary’s ng  Quezon City at Claret School  na may kaparehong  18 pts., matapos durugin at patalsikin ang Paco Catholic College, 3-0 sa 8-ball doubles, 9-ball at 10-ball singles upang yakapin ang liderato na may 20 points bilang best finish sa elims papuntang semifinal round ng liga na inorganisa ni Perry Mariano ng Bugsy Promotions at Reli de Leon.

Ang tandem nina St Mary’s RJ Bautista at River Cadiz ay umungos sa team-up nina Claret’s Kyle Torrente at Pablo, 5-4 sa 8-ball doubles samantalang si Bautista, bagong miyembro ng Bugsy, ay binalugbog si Torrente sa 9-ball.

Nabigo naman ang ka-teammate na si James Benzon na mapanatili ang momentum ng team para maka-sweep matapos yumukod kay Pablo, 4-7 para sa elimination record na 19 points ng  St. Mary papuntang final four. Sa kabila ng paglagapak ng Clarets ay pasok pa rin sila sa semis na may 17 points.

Ang Xavier, isa pang semifinalist, ay tumanggap din ng dagok kontra sa hindi napapansing Ateneo pool bets, 1-2.

Naiwasan ni Biondi Te ng Xavier na ma-sweep matapos talunin si Eaglet Ricky Chavez 7-1 sa 10 ball.

Dalawang pambato ng Xavier ang hilahod matapos matalo sa 8-ball double at 9-ball subalit nasungkit pa rin nila ang huling ticket papasok sa semifinals sa collegiate league.

Gaganapin ang next phase ng palaro sa March 26 sa Star Paper Billiards Center na ipalalabas sa TV5 sa primetime, ayon kay B-League tournament director Verna Mariano.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply