LTFRB may bago ng chairman

NAGTALAGA na ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng bagong chairman ng Land Transportation Franchising and Regularoty Board (LTFRB).

Itinalagang bagong chairman ng LTFRB si Raquel Desiderio, ang DOTC assistant secretary for administrative and legal affairs.

Si Desiderio ang tatayong LTFRB OIC na pansamantalang papalit sa sa puwesto ni LTFRB Chairman Nelson Laluces na halos isang buwan nang hindi nakakapasok dahil sa problema sa kalusugan.

Sinasabing ang hindi pagpasok ng ilang linggo ni Laluces ay nagdulot ng pagkaantala ng pagpoproseso sa mga dokumento sa LTFRB bunga ng kakulangan ng bilang ng LTFRB board na umaksiyon sa mga transaksiyon sa ahensiyang may kinalaman sa prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

Bagamat sina boardmember Atty. Manuel Iway at Engr. Samuel Garcia ay maaaring magpasa ng resulosyon sa ahensiya kahit wala si Laluces, nagkataon namang maging si Iway ay nagkaroon ng sakit at hindi rin makapasok sa opisina.

Di pa tiyak kung kailan makababalik si Laluces sa trabaho ngunit si  Iway ay malamang na bumalik na sa kanyang trabaho sa Lunes, Marco 21.

Kaugnay nito, magdadalawang linggo nang nakabakasyon si LTO Chief Virginia Torres makaraang magtungo ng Malakanyang kamakailan.

Wala namang ulat kung ang pagkawala ni Torres sa kanyang opisina ay bunga ng panawagan ng Justice Department na suspendihin si Torres dahil sa umano’y pakikipagsabwatan nito sa Stradcom take over noong Disyembre 2010.

Si LTO Exec. Redentor Reyes ang pansamantalang umaaktong LTO Chief sa ngayon. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply