Lt/Gen. Oban nasorpresa sa bagong posisyon

“It came out as a surprise!”

Ito ang ipinahayag ni bagong chief of staff ng Sandatahang Lakas na si si Lt/Gen. Eduardo Oban.

Hindi niya umano akalain na siya ang ipapalit ng Pangulo sa babakantehing puwesto ni outgoing AFP chief Ricardo David.

Kaugnay nito, nangako naman si Oban na kanyang susuklian ng katapatan ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Benigno Aquino.

Si David ay magreretiro na sa Lunes pagkalipas ng walong buwan sa puwesto.

Bago ang pormal na anunsyo ng commander-in-chief, lumutang na rin ang pangalan ni Oban na siyang “early favorite” ng Malacañang na bagong mamumuno sa 130,000-strong AFP members.

Si Oban ay mamumuno sa AFP sa loob lamang ng 9 na buwan bago naman ang kanyang pagretiro.

Aminado pa ang heneral na malaking hamon sa kanya ang bagong katungkulan sa gitna na rin ng pagkakasangkot ng military organization sa patong-patong na anomalya. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply