LTO enforcers tigil muna sa panghuhuli

PANSAMANTALANG pinahinto ni Land Transportation Office Chief Virginia Torres ang panghuhuli ng mga law enforcers ng LTO-National Capital Region sa mga pasaway na driver ng Metro manila.

Sa ilalim ng pinalabas na memorandum order sa LTO NCR Office, ang nasabing hakbang ay alinsunod sa RA 4136 at batay sa Executive Order 266 para maidagdag ang  LTO NCR enforcers sa bilang ng mga tauhan sa Metro Manila sa pagbibigay ng serbisyo publiko hindi lang sa mga lansangan.

“Kulang kami ng mga tauhan eh kaya kailangang madagdagan kami ng bilang na kukunin naman ang mga tauhan mula sa enforcers ng NCR,” pahayag ni Torres.

Nakasaad sa memorandum ni Torres ang pagsurender sa lahat ng deputation orders, TOP booklets at iba pang paraphernalia na naisyu sa LTO NCR office at ang lahat ng patrol vehicles nito ay dapat isurender sa Administrative Division ng Central Office sa main office  sa East Avenue, Quezon City.

Kaugnay nito, nilinaw ni Torres na trabaho lang ang kanyang hakbang hinggil dito at walang personal issue kay LTO-NCR Director Teofilo Guadiz.

Nabatid na “bata” ni Pangulong Noynoy Aquino si Torres habang si Guadiz ay kay DOTC Secretary Ping de Jesus. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply