Lubang Island, nilindol

TINAMAAN ng lindol na may 5.1 magnitude ang Lubang Island, madaling-araw ng Biyernes, Marso 11..

Nabatid sa Phivolcs na naganap ang lindol bandang 3:06am. kung saan namataan ang epicenter nito sa 15 kilometro sa timog na bahagi ng Looc, Lubang Island.

Naramdaman ang intensity two tremor sa Batangas City.

Ayon pa sa Phivolcs, ang pagyanig ay may lalim na 101 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba ng mga residente malapit sa Taal Volcano na wala umanong kaugnayan ang volcanic activity sa pagyanig.

Wala namang naitalang pinsala at aftershocks. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply